Tanging Yaman
Script
 Doktor
Scene 1: Simbahan
(Tanging Yaman)
Elisa: (nagro-rosaryo)
Carina: Lola, hindi po ba siya nalilito?
Elisa: Sino apo?
Carina: Ang Diyos po.
Elisa: Nalilito saan?
Carina: Pag sabay-sabay pong humihiling ang mga tao. Tapos, iba-iba pa po ang hinihiling natin. Lahat po ba tayo naririnig niya?
Elisa: Hindi siya malilito, dahil alam na niya kung ano ang gusto ng bawat tao. Tulad mo, sigurado ako, pagkalabas natin ng Simbahan, magpapabili ka pa ng lobo.
Carina: Po?! Paano niyo po nalaman?
Elisa: Kasi mahal kita! Alam ko kung ano ang gusto mo. Ganyan din ang Diyos. Alam niya ang gusto ng bawat tao, dahil mahal niya ito. Ibibigay niya ang kahit anong hiling natin sa Kanya.
Carina: Kahit ano pong hingiin ko lola ibibigay niya sakin?
Elisa: Kung ito ay makakabuti sayo. Pero kung hindi, bakit nya ibibigay. Alam mo, kung minsan, dahil sa sobra tayong apurado, akala natin ay binabaliwala Nya tayo. Pero ang totoo, naghihitay lamang siya ng tamang panahon. Naniniwala ka na ba?
Carina: (yayakap sa lola)

Scene 2: Kusina ng bahay
Mario: (Habang nagluluto) Manang Gunding! Paki-ayos na ho ng mesa at maluluto na raw ang kanin at ulam!
Manang Gunding: Ito na Mario.
(Habang hindi pa naghahain ng pagkain ay nag-uusap ang mag-asawang Mario at Danica, kasama si Boyet.)
Danica: Oh, buti naman at naisipan mo pang umuwi.
Mario: Danica naman, alam mo namang graduating na ang anak mo. Hindi makaka-uwi agad yan at maraming inaasikaso sa Maynila. Working student pa.
Boyet: Pasensya na po, inay. Hinahabol ko na po kasi ang paggawa ng thesis ko eh.
Danica: Hindi ba pwedeng magpahinga, kahit linggo? Kung ang Diyos nga nagpahinga sa Sayath Day, ikaw pa?
Boyet: Nay, Sabbath Day po.
Danica: Oo nga, Savath Day. Tsk Tsk.
Mario: Osha! Mamaya niyo na pag-awayan iyan. Luto na ang ulam. Umupo na kayo sa mesa.
Mario: Oh, mukhang bago yang relo mo, Boyet ah.
Boyet: Ahh, bigay po ito sa akin ni Tita Arianne.
(Mukhang ‘di nasisiyahan si Elisa sa pagkain. Wala siyang malasahan.)
Danica: Yung bingay ko sa’yong relo, ba’t di mo sinusuot?
Boyet: Ah, sira kasi Nay eh. Pinagawa ko na muna.
Chona: Kasi naman Nay, yung relong binigay mo mas matanda pa kay kuya yun eh.
Carina: Hahaha. (biglang tawa)
Elisa: (Ilalapag ang tinidor) Danica, parang matabang ‘tong torta mo ahh.
Danica: Chona, ipasa mo kay nanay ang asin.
Elisa: (ita-taktak ng malakas ang asin)
Danica: Naku, nay. Baka ma-highblood na kayo nyan. Andaming asin!
Elisa: Eh hindi ko malasahan eh. (Aamuyin tapos ay bibitawan.) Wala ni amoy. (nakasimangot)
Carina: (bubulong kay Chona) May lasa naman ah. Ang sarap nga eh.
Scene 5: Bahay nina Arianne
Pupunta si George sa Dining Room.
George: Diyos ko naman, nag-brownout pa.
Makikita niya si Rommel sa isang maliit na space sa kusina.
George: Ano yan, Rommel?
Rommel: Mga photos ko po. Maganda po ba?
George: Uhm, medyo dark siya sa paningin ko, pero maganda na ah. Nice shots!
Biglang darating si Arianne sa bahay.
Arianne: Oh, ano ‘to, picknick by candle light?
(Itatago ni Rommel ang mga pictures na kuha niya sa isang folder na nasa mesa.)
George: Brownout, Arianne. Speaking of brownout, yung lighting facilities project namin sa Basilan, malapit nadaw matapos. Sabi ng Engineer natin 6 months lang operational na siya.
Arianne: Kamusta ang final exams mo Rommel?
Rommel: Uhm, ok lang po.
Arianne: (medyo galit) Can’t you be specific, as in ok, papasa or ok, medyo tagilid?
Rommel: (mahina ang boses) Papasa po.
Arianne: (Galit na, pasigaw) I can’t hear you speak up!
George: Arianne, Don’t…
Arianne: No, George. I’ve had a long day and I’m tired. I’m asking a simple question. Now, what I get is a whisper, that even he can’t hear!
Rommel: (lalakasan na ang boses) Papasa po, Ma.
Arianne: Great! Nakakapag-salita ka naman pala ng malinaw eh. At ano ‘to? (titingnan ang mga photos na nasa ilalim ng folder.)
George: ‘Yan yung mga photos na kinuha ni Rommel. Ang galing niya noh? His photos look great.
Arianne: (tinitingnan ang mga larawan) So, ano? Gusto mong maging photographer ang anak mo?
George: Eh diba, mas magiging successful naman ang isang tao kung passion naman niya ang ginagawa niya?
Arianne: (Titingnan ang mga larawan for the last time sabay tapon sa ere.) Wala siyang makukuhang career sa photography. (Galit, kakausapin at duduruin si Rommel.) Make sure you’ll pass the whole semester. Do you understand?
Rommel: (tatango)
Arianne: (pasigaw) Do you understand?
Rommel: Yes, Ma.
(Aalis na si Arianne, kukunin naman ni Rommel ang mga litrato, nang naluluha-luha.)

Scene 6: USA, sa isang park tanaw ang